--Ads--

CAUAYAN CITY – Mahigpit na ipinagbabawal ng Land Transportation Office ang paggamit ng mga modified na busina.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Regional Director Manny Baricaua ng Land Transportation Office Region 2 na isang paglabag sa batas ang illegal accessory sa mga sasakyan lalo na sa mga motorsiklo.

Aniya, kapag pinalitan ang standard na busina ng motorsiklo ay matatawag na itong iligal.

Maari aniyang magmulta ng limang libong piso sakali mang mapatunayan.

--Ads--

Payo niya ay dapat iregulate ng mga kinauukulang ahensya ang pagbebenta ng mga accessories ng mga motorsiklo para hindi basta-basta nakakabili ang mga mamamayan.