--Ads--

Pinatawag ng Land Transportation Office (LTO) ang isang driver matapos umanong huminto sa North Luzon Expressway (NLEX) upang tulungan ang isang patay na hayop sa gitna ng kalsada.

Ayon sa LTO, naglabas sila ng show cause order laban sa rehistradong may-ari at driver ng isang Toyota Vios dahil sa insidente noong Pebrero 26.

Batay sa nag-viral na video, huminto ang sasakyan sa gitna ng expressway at pinayagan ng driver ang pasahero na bumaba upang pulutin ang patay na hayop.

Tinukoy ng ahensya na maaaring ituring ang paghinto ng sasakyan bilang paglabag sa batas-trapiko, kabilang ang reckless driving at obstruction of traffic.

--Ads--

Sa kasalukuyan, pinagpapaliwanag ang may-ari at driver; suspendido na ng 90 araw ang lisensya ng driver, at ilalagay sa alarm status ang sasakyan.

Umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens ang insidente, kung saan may ilan ang nagkomento na ang ginawa ay isang “epic fail na kabayanihan.”