--Ads--

CAUAYAN CITY – Hihigpitan na ng Land Transportation o LTO ang panghuhuli sa mga e-bike sa national highway.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Acting Regional Director Manny Baricaua ng LTO Region 2 sinabi niya na may mga e-bike na kailangang mairehistro at nakadipende ito sa CC o lakas nito at ang iba ay ginagamit lamang sa mga looban tulad ng mga subdivisions.

Aniya sa mga susunod na panahon ay magsasagawa na sila ng panghuhuli sa mga e-bike na dumadaan sa national at provincial highway dahil ipinagbabawal ito.

Kinakailangan aniya na irehistro ang e-bike kung dadaan sa mga pambansang lansangan at kailangan ding hulihin ang mga pwedeng irehistro na mga matataas ang CCs.

--Ads--

Dahil nagkaroon ng pandemic ay marami ang bumili nito at hindi naiparehistro ang karamihan na ginagamit pa rin ng mga mamamayan sa pambansang lansangan.

Aniya hindi lamang LTO ang may mandato sa paghuhuli sa mga ito kundi maging ang Department of Trade and Industry o DTI.

Kung kailangang irehistro ay kailangan ding kumuha ng lisensya ang mga nagmamaneho nito.