--Ads--

CAUAYAN CITY – Muling hinikayat ng Land Transportation Office o LTO Region 2 ang mga tsuper ng jeepney sa rehiyon na hindi pa nakapagconsolidate para sa Jeepney Modernization Program.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay OIC-Regional Director Manuel Baricaua ng LTO Region 2sinabi niya na sa Region 2 ay wala pang direktiba na sila ay manghuhuli na sa mga jeepney na hindi pa nakapagconsolidate.

Sa Metro Manila at iba pang panig ng bansa ay inaasahan na ngayong araw ang pagsisimula ng panghuhuli ng LTFRB sa mga unconsolidated jeepneys na patuloy na bumibyahe na itinuturing nang kolorum

Sa ngayon naman aniya ay kakaunti na lamang ang traditional jeep na bumibiyahe sa rehiyon at kakaunti na lamang ang hindi pa nakapagconsolidate.

--Ads--

Tiniyak naman niyang wala pang direktiba ang kanilang Assistant secretary o sa mismong departamento ng LTO na sila ay manghuhuli na ng kolorum na jeepney.

Muli naman niyang hinikayat ang mga hindi pa nakapagconsolidate na magpaconsolidate na.

Samantala patuloy naman silang nakakahuli ng mga unregistered at unlicensed na sasakyan sa rehiyon na bumibiyahe sa pambansang lansangan.

Hinikayat niya ang mga may-ari ng nasabing mga sasakyan na iparehistro at magpalisensya dahil ito ay isang tungkulin bilang motorista lalo na kung ang mga sasakyan ay kanilang ginagamit bilang pampublikong transportasyon.