--Ads--

CAUAYAN CITY – Tiniyak ng Land Transportation Office ang mahigpit na monitoring sa mga pampasaherong sasakyan lalo na ngayon at papalapit ang Semana Santa.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Regional Director Manuel Baricaua ng Land Transportation Office o LTO Region 2 na katuwang nila ang mga local government units para mamonitor ang mga gumagamit sa mga lansangan.

Sa mga Public Utility Vehicles ay nagsasagawa sila ng terminal inspection at isinasailalim sa drug test ang mga drivers.

Tinitingnan din ang road worthy ng mga sasakyan lalo na kapag dumarating ang semana santa.

--Ads--

Aniya, may mga natanggalan na sila ng lisensya na nagpositibo sa iligal na droga.

Kapag nasangkot naman sa aksidente ay dumadaan ito sa tamang proseso para matanggalan ng lisensya ang sangkot na tsuper.

Pinayuhan naman ni Regional Director Baricaua ang mga mananakay na maging mapagmatyag at pagsabihan ang tsuper kung mabilis ang kanyang patakbo dahil may karapatan aniya ang mga mananakay na gawin ito.

Sa mga gumagamit naman ng slow moving vehicle tulad ng motorsiklo ay manatili lang sa outer lane ng daan para makaiwas sa aksidente.