--Ads--

CAUAYAN CITY – Isasagawa ang license to own and possess firearms (LTOPF) at renewal of firearms license Caravan sa Saty Firing Range sa Macate, Bambang, Nueva Vizcaya bukas hanggang Mayo 12, 2023

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Police Major Rexer Louie Malingan, Chief Security Agency and guard Section ng Regional Civil Security Unit 2 at Team Leader ng Nueva Vizcaya Stakeholder Assistance Center na sa mga bagong nagnanais magkaroon at bumili ng baril ay kinakailangang magkaroon ng license to own and possess firearms.

Sinabi pa ni Police Major Malingan na kasabay ng LTOPF caravan ay maari na silang magbigay ng National Police clearance, neuro-psychiatric test , drug test at gun safety and responsible gun ownership seminar habang mayroon na ring magno-notarized.

Puntirya nila ang i100 kukuha ng lisensiya ng baril.

--Ads--

Sinabi pa ni Major Malingan na batay sa kanilang records ay mayroong 18,872 na nagpasong lisensiya ng baril sa buong rehiyon dos at nasa third notice na rin ng ‘Oplan Katok”.

Ang mga nagpaso na ang lisensiya ay nagrerenew na ng kanilang lisensiya habang patuloy ang paghikayat nila sa mga hindi pa nagrenew na kumuha na ng lisensiya ng kanilang baril.

Kapag hindi anya tumugon ang mga gun owners sa kanilang third notice sa “Oplan Katok” ay maari na silang silbihan ng search warrant at maaring maharap sa kaukulang kaso.

Ang pahayag ni PMajor Rexer Louie Malingan.