Kinuwestiyon ni House Justice Committee chairperson Gerville Luistro ang pahayag ni Vice President Sara Duterte na handa siyang harapin ang impeachment cases dahil sa hindi niya pagdalo sa unang araw ng proceedings sa Kamara.
Ayon kay Luistro, tila handa si Duterte sa mga akusasyon ngunit hindi siya lumahok sa hearing. Binanggit niya ang naging pahayag ni Justice Noel Tijam sa impeachment ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno na ang hindi pagdalo sa hearings ay maaaring ituring na paglabag sa Konstitusyon. Tinanong niya kung maaari rin itong ipatupad sa kaso ni Duterte.
Kabilang sa mga alegasyon laban kay Duterte ang betrayal of public trust at culpable violation of the Constitution dahil sa pagbabanta sa Pangulo at kanyang pamilya, maling paggamit ng P612.5M confidential funds, hindi pagdeklara ng assets, at abuso sa kapangyarihan at panunuhol.
Iginiit ni Luistro na lahat ng opisyal, kabilang ang Bise Presidente, ay nanumpa na sundin at ipagtanggol ang Konstitusyon at tinanong kung ito ba ay pinapanindigan ng bawat opisyal.







