--Ads--

CAUAYAN CITY- Puspusan na ang ginagawang deployment ng Luna Police Station para tutukan ang Summer Vacation (SUMVAC).

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Jonathan Ramos, hepe ng Luna Police Station, aniya, isa sa pangunahing lugar na babantayan ngayong holiday ay ang ilog sa kanilang nasasakupan.

Ito ay matapos makapagtala ng kaso ng pagkalunod noong nakaraang taon subalit swerte itong na revive ng naka duty na police.

Aniya, delikado ang mga ilog at hindi ito kayang bantayan ng dalawang personnel lamang kaya majority ng ma de deploy na pulisya ay nakatalaga sa ilog.

--Ads--

Bukod dito, wala naman aniyang maraming resort sa lugar kaya hindi nila ito masyadong mapagtutuunan ng pansin.

Katuwang naman aniya nila ang Rescue Luna at BFP para sa pagpapanatili ng mapayapa at tahimik na holy week.

Layunin naman ng SUMVAC na bigyan ng assisstance ang bawat motorista at mga bakasyonista sa lugar batay sa direktiba ng lokal na pamahalaan.