CAUAYAN CITY- Labis ang tuwa ng pamahalaang panlungsod ng IIagan matapos itanghal ang kanilang Lungsod ng bilang overall champion sa Bambanti Festival 2025.
Dinomina ng Lungsod ng Ilagan ang iba’t ibang patimpalak kagaya na lamang Festival Dance Showdown kung saan sila ang itinanghal na kampeon, 1st runner up sa Festival Street Dance, champion sa Festival King and Queen at iba pa.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay City Tourism Officer Maria Cristina Simon ng City of Ilagan, sinabi niya na tinutukan talaga nila ng husto ang mga aktibidad na kanilang nilahukan sa bambanti kaya walang mapagsidlan ang kanilang kasiyahan dahil nagbunga ang kanilang pahod, hirap at sakripisyo.
Aniya pagkakaisa at suporta ang kanilang naging sikreto para matangal bilang overall grand champion dahil nakatutok ang lahat ng mga kawani ng LGU at Ilagueños mula sa paghahanda hanggang sa mismong patimpalak.
Sisiguruhin naman nila hindi sila titigil sa pag-iisip ng innovation para mapanatili ng Lungsod ng ang kanilang titulo sa Bambanti festival 2025.
Nagpapasalamat naman siya lahat ng mga Ilagueño pangunahin na sa mga nakiisa sa mga aktibidad na nilahukan ng kanilang Lungsod na isa sa mga naging instrumento para makuha nila ang kampeonato sa kauna-unahang pagkakataon.
Samantala, pinangunahan ni Miss Universe Isabela Janira Sanduh ang ginanap na Pressconference kasama sina Queen Isabela 1ST runner up Jhudiel Taguinod ,Queen Isabela 2nd runner up Criselle Anne Gregorio, Queen Isabela Tourism 2025 Mhira Angelene Valenciano at Queen Isabela Culture and Arts 2025 Johnlene Ariola.
Dito ay nabigyan sila ng pagkakataon na ibahagi ang kanilang journey to the crown sa Queen Isabela Pageant 2025.