--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasa tanggapan na ng Office of the Solicitor General at Legal Department ng Kagawaran ng Edukasyon ang mga usaping legal hinggil sa mga kinatitirikang lupa ng mga eskuwelahan ng iba’t ibang bayan at Lunsod sa Isabela.

Ito ay ang mga lupang kinukuwestiyon ng ilan sa mga dating nagmamay-ari ng lupain.

Inihayag ito ni Schools Division Supt. Jessie Amin ng Dep-Ed Isabela makaraang maiparating sa kanya ang suliranin ng mga paaralan na inaagaw o tumatanggi nang ibigay ng mga may-ari ng lupa dahil wala naman umanong dead of donation ngunit mayroon nang nakatayong mga paaralan.

Ilan anya na pinag-aagawan ng mga magkakamag-anak ang mga lupang kinatitirikan ng mga paaralan.

--Ads--

Ayon kay Schools Division Supt. Amin, ang nasabing suliranin ay hinahawakan na ng kanilang legal department at simula 2018 ay mayroon nang mga inilaan o nakasama na sa pondo ng DEP-Ed ang halaga na gagamitin upang maisaayos ang mga papeles ng iba’t ibang mga paaralan na mayroon pa ring suliranin dito sa Isabela.