Natuklasan ng Philippine National Police–Highway Patrol Group (PNP-HPG) na may kuwestiyonableng dokumento ang isa sa mga luxury vehicle na iniuugnay kay dating Ako Bicol Party-list Rep. Elizaldy “Zaldy” Co.
Ayon kay HPG Director Hansel Marantan, isang Ferrari na tinatayang nagkakahalaga ng ₱37 milyon ang nakarehistro sa Land Transportation Office (LTO) sa ibang may-ari, base sa isinagawang macro-etching na hindi tumugma sa opisyal na rekord.
Pinaghihinalaan ng mga awtoridad na maaaring sangkot ang sasakyan sa “kambal plaka” scheme na karaniwang inuugnay sa smuggling o carnapping. Bukod dito, isang Lexus hybrid ang nakapangalan umano sa asawa ng dating mambabatas, habang isang GMC Cadillac ang natuklasang walang dokumento.
Patuloy pa ang imbestigasyon habang tinutunton ng HPG ang higit 10 pang luxury vehicles na posibleng konektado kay Co.











