--Ads--

Ipasusubasta ng Bureau of Customs (BOC) ang walong nasamsam na luxury cars ng mga kontrobersyal na contractor na sina Curlee at Sarah Discaya sa  na Pebrero 11.

Ayon sa BOC, kabilang sa mga ipasusubasta ang Lincoln Navigator 2024, GMC Yukon Denali 2022, Cadillac Escalade 2021, Maserati Levante Modena 2022, GMC Yukon XL Denali 2022, Cadillac Escalade ESV 2022, Rolls-Royce Cullinan 2023, at Bentley Bentayga 2022.

Bukod dito, kasali rin sa auction ang isang Blue Bugatti Chiron 2017 at Red Bugatti Chiron 2019.

Bukas ang public viewing ng mga sasakyan sa Pebrero 5 hanggang 6, ayon pa sa ahensya.

--Ads--

Matatandaang noong Nobyembre, tatlo sa pitong luxury vehicles na nasamsam mula sa pamilya Discaya ang naibenta na sa isang public auction.