--Ads--

CAUAYAN CITY – Ipinaliwanag ng isang nurse sa Australia ang dahilan kung bakit mabilis na nakagawa ang mga kompanya ng bakuna kontra Covid19.

Sa naging pahayag ni Bombo Correspondent Denmark Suede, isang Filipino nurse sa Australia, sinabi niya na dati nang may blueprint ang mga kompanya tulad ng Pfizer at Moderna ng mga virus na katulad ng Covid19.

May experience na aniya ang lahat ng mga kompanya sa mga virus tulad ng SARS 1 noong 2003, maging ang Mers-Cov at Zika Virus na galing sa Africa.

Pagkabigay aniya ng China ng Genome Sequence ng bagong virus na Sars Cov 2 sa WHO noong ikalabing isa ng Enero ay nagmapped out nalang ang mga kompanya sa blueprint ng dating mga virus at isinagawa ang tweaking at ikalabintatlo ng Enero ay mayroon nang vaccine ang Moderna para sa trial.

--Ads--

Ayon kay Ginoong Suede, inasahan na ng mga kompanya na magkakaroon ng bagong strain ang virus ngunit hindi lang nila alam kung paano kaya hanggang ngayon ay ispekulasyon muna ang kanilang masasabi habang isinasagawa pa ang pag aaral patungkol dito.

Humingi naman ng dalawang linggong palugit ang dalawang kompanya ng Pfizer at Moderna upang I-tweak ang kanilang bakuna para iakma sa bagong strain ng Covid 19.

Aniya mababa lamang ang risk kung ang ituturok na bakuna ay para sa dating strain sakaling positibo na sa bagong strain ang isang pasyente dahil 99% naman ang kanilang pagkakapareho.

Sa kasalukuyan hindi na pinapayagan ng Australia ang mga manggagaling sa United Kingdom na nagnanais pumasok sa bansa upang maiwasang makapasok ang bagong strainn ng Covid 19.

Ang bahagi ng pahayag ni Bombo Correspondent Denmark Suede ng Australia.