
CAUAYAN CITY – Nanawagan ang Liga ng mga Barangay Federation president sa Isabela sa lahat ng mga opisyal ng barangay na makipagtulungan para mahusay na maipatupad ang mga panuntunan na nakapaloob sa Executive Order (EO) #14 series of 2021 ng pamahalaang panlalawigan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, nanawagan si Liga ng mga Barangay Federation President Dante Halaman sa lahat ng mga opisyal ng barangay na maayos na ipatupad ang mga panuntunan kabilang na ang pagbabawal ng pagpiknik ng mga tao sa mga ilog at resort.
Aniya, may karapatan sila na manghuli kapag may hindi sumusunod na mamamayan sa kanilang barangay.
Dapat na hindi ang mga opisyal ng barangay ang manguna sa pagsuway sa mga panuntunan lalo na ang liqour ban o pagbabawal sa pag-inom ng alak.
Kailangan ang pagtutulungan ngayon para mapababa ang tumataas na kaso ng COVID-19 sa Isabela.
Kaugnay naman sa pagpapatupad ng checkpoint sa mga barangay ay pag-uusapan pa sa isasagawa nilang pagpulong.










