--Ads--

CAUAYAN CITY – Ikinatuwa ng DOLE Region 2 ang pagbaba ng bilang ng mga walang trabaho sa rehiyon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Ginoong Chester Trinidad, Information Officer ng DOLE Region 2 na natutuwa sila sa report ng PSA na bumaba ang unemployment rate sa bansa mula Disyembre, 2021 hanggang Enero 2022.

Masaya sila dahil nakatulong ang DOLE sa pamamagitan ng kanilang labor marketing information, emergency employment programs sa pamamagitan ng TUPAD, livelihood programs at iba pang programa ng kagawaran na ang puntirya ay ang mga walang trabaho sa rehiyon.

Ang naging tulong aniya ng DOLE ay ang pagrerefer sa mga naghahanap ng trabaho sa iba’t ibang ahensya na puwedeng pagtrabahuan sa rehiyon.

--Ads--

Kung ikukumpara naman aniya ang employment rate sa buong bansa ay mas mataas sa ikalawang rehiyon.

Mula Hulyo 2021, ang unemployement rate sa rehiyon ay 95.9% at noong Oktubre ay umakyat sa 96.6%.

Tumaas ito ng .7% na kinabibilangan ng labor force na 2.4 milyon.

Samantala, tiniyak ng DOLE Region 2 na nasusunod ng mga employer sa rehiyon ang  370 pesos na minimum wage.

Hinikayat nila ang mga empliyado na may reklamo sa kanilang sahod na lumapit lamang sa mga field offices ng DOLE o sa mismong tanggapan ng DOLE para matugunan ang kanilang hinaing.

Ang bahagi ng pahayag ni Ginoong Chester Trinidad.