--Ads--

CAUAYAN CIY- Nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko ang ginawang bridge clearing operation sa Alicaocao overflow bridge kahapon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay POSD Chief Pilarito Mallillin sinabi niya na nagdulot ng bahagyang mabigat na daloy ng trapiko sa bahagi ng Alicaocao overflow bridge dahil sa ginawang clearing operation o bridge clearing.

Layunin nito na masayos ang flow ng tubig sa ilalim ng tulay para maiwasan tiong magkaroon pa ng karagdagang sira dahil sa mga naiipon at bumabarang water lilies.

Ayon kay POSD Chief Mallillin na malaki ang maaaring maging pinsala ng mga bumabarang water lilies at iba pang debri sa tulay lalo na kung magkakaroon ng bahagyang pagtaas sa antas ng tubig.

--Ads--

Sa kabila nito ay inabot lamang ng dalawang oras ang bridge clearing at bumalik din sa normal ang daloy ng trapiko.

Maayos at ligtas ring nakauwi sa kani kanilang mga lugar ang mga pasahero at motoristang dumaan sa tulay.

Inaasahang maipagpapatuloy pa sa mga susunod na araw ang gagawing bridge clearing ng Local Government ng Cauayan