--Ads--

CAUAYAN CITY- Nagpadala ng karagdagang pwersa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Vizcaya sa bayan ng Diadi para mapagaan ang daloy ng trapiko sa lugar.

Sa kasalukuyan ang nararanasan ang mabigat na daloy ng trapiko sa naturang lugar dahil sa kasalukuyang road construction doon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Nueva Vizcaya Governor Jose Gambito, sinabi niya na mayroon nang karagdagang Pulis na 24/7 na nagmamando ng trapiko sa lugar ngunit nananatili pa ring mabigat ang daloy ng trapiko dahil sa mga nagka-counterflow.

Nagpatawag na aniya siya ng pagpupulong kasama ang PNP, DILG, DPWH, PDRRMO at iba pang mga katuwang na sektor para pag-usapan ang pansamantalang pagpapahinto ng road construction para mapagaan ang daloy ng trapiko.

--Ads--

Hinihikayat naman niya ang publiko pangunahin na ang mga bibiyahe palabas at papasok ng Region na dumaan na lamang pansamantala sa Lalawigan ng Aurora para makaiwas sa traffic.