--Ads--

CAUAYAN CITY- Nais na gawan ng hakbang ng Lokal na Konseho ng San Mariano, Isabela ang patuloy na paglobo ng bilang ng mga janitor fish sa ilog na nasasakupan ng naturang Bayan.

Ayon sa mga impormasyong nakuha ng Bombo Radyo Cauayan maraming residente na ang nangangamba dahil sa pagdami ng mga Janitor fish partikular sa ilog ng Barangay Minanga.

Ang mga Janitor Fish ay isang invasive species ng isda na kumakain ng mga malilliit na isda tulad ng mga itlog at fingerlings.

Bilang hakbang ay humingi na ng tulong ang LGU San MAriano partikular ang Committee on Environment and Natural Resources sa Bureau of Fisheries and Acquatic Resources o BFAR para gumawa na ng hakbang para mapigilan ang mabilis na pagdami ng mga janitor fish sa ilog.

--Ads--

Sa ngayon ay Plano ng MENRO na bisitahin ang lahat ng mga fish sanctuary sa bayan ng San Mariano partikular sa Barangay Disulap para mapanatili ito at maiwasan ang iligal na pangingisda.

Sa mga pinapangalagaan na fish sancturay nakukuha ang itinuturing na pinaka mahal na isda gaya ng ludong o kung tawagin ay Presidents Fish.