CAUAYAN CITY- Hindi pa ring lubusang mapatunayan maging ang kanyang mga magulang kung ang isang 15 anyos na atleta sa gymnastic ay namatay sa pagkalunod dahil sa pagsagip ng kanyang kasamahang naligo sa Pinacanauan River na sakop ng San Vicente, Ilagan City
Nauna nang napabalita na ang biktimang si Kleya Rein Lucas, Grade-10 student ng Isabela National High School at medalist ng CAVRAA players sa larong gymnastic ay nalunod makaraang tanggayin umano ng isang ipu-ipo sa ilalim ng tubig sa nasabing ilog.
May mga nagsasabi na sinagip umano niya ang dalawang kasama ngunit tumatanggi namang patunayan ng dalawa sa halip ay sinabi ng kanyang ina na siya ang tinangka sagipin ng kanyang nakababatang kapatid subalit nabitawan ang kamay kaya tuluyang naglaho sa tubig.
Ayon sa kwento ni Gng. Elsa Asis Lucas ng Brgy. San Vicente, Ilagan City, ina ng biktima, sila ay labis na naghihinayang sa pagkamatay ng kanyang anak na nag-iisang babae sa apat na magkakapatid.
Aniya, malambing at masunuring bata si Kleya subalit kanyang sinusuway ang kautusan ng mga magulang na iwasang ang magtungo sa ilog upang maligo.
Sinabi pa ni Gng. Lucas na noong pa mang bata si Kleya ay mayroon na silang premonition na ang kanilang anak na mamatay sa pagkalunod dahil tatlong beses na nalunod ang bata subalit ngayong pang-apat na beses ay hindi na nakaligtas pa si Kleya.




