--Ads--

CAUAYAN CITY– Dalawang bangkay ng mga kasapi ng New Peoples Army (NPA) ang narecover ng mga mga kasapi ng 95th Infantry Battalion Phil. Army habang nagsasagawa ng pagtugis sa tumakas na mga rebelde at clearing operation sa Barangay Alucao, Sta. Teresita, Cagayan.

Narecover din ng mga sundalo ang mga personal na kagamitan ng mga rebelde , mga bala at tatlong matataas na kablibre ng baril.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Army Major Rigor Pamittan, DPAO Chief ng 5th Infantry Division na nanghihinayang ang kanilang hanay sa mga nasawing miyembro ng New People’s Army (NPA) sa engkwentro sa pagitan ng kasundaluhan at rebeldeng grupo sa Sitio Bigoc, Barangay Alucao, Sta. Teresita, Cagayan.

Ang mga nasawi sa labanan ay isang lalaki at isang babae na nakilalang si Alyas Morga na isang mag-aaral ng University of the Phils. .

--Ads--

Ayon kay Major Pamittan, nakilala ng mga rebel returnees ang isa sa nasawi na si Alyas Morga na isang mag-aaral ng UP.

Sinabi ni Major Pamittan na ninais na umano ni alyas Morga na talikuran sana ang kilusan at sinubukan pang tumakas ngunit hindi niya kabisado ang kabundukan kaya muli siyang nahuli ng rebeldeng pangkat .

Dahil dito, napasama si alyas Morga sa mga engkwentro sa pagitan ng militar at NPA at napabilang sa mga nasawi noong Miyerkoles.

Inaalam na rin pagkakilanlan ng lalaking NPA na nasawi na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kanyang mukha.

Isinasailalim na sa post mortem examination ang bangkay ng dalawang kasapi ng NPA bago dalhin at ayusin ang kanilang mga labi sa isang punerarya.

Ito ay para maayos ang kanilang mga labi at maipasakamay ng maayos sa mga magpapakilalang pamilya..

kapag walang anyang kumuha sa bangkay ng dalawang NPA na nasawi ay makikipag-ugnayan sila Local Government Unit (LGU) upang mabigyan sila ng disenteng libing.