--Ads--

ILAGAN CITY – Nasawi ang isang mag-aaral matapos mabangga ng Pick up na minamaneho ng dating Punong Barangay.

Sa nakuhang  impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan ang Biktima ay  si Celene Dion Rabago, labing-apat na taong gulang,  Estudyante at residente ng Barangay Sipay, City of Ilagan habang ang pinaghihinalaan ay si Dating Punong Barangay Alex Agor, Limampung taong gulang, negosyante at residente ng Calamagui 2nd, City of Ilagan.

Sa pagsisiyasat na isinagawa ng mga otoridad , lumalabas na binabagtas  pick up ang daan papasok sa Lungsod at may sinusundang Jeep na pumarada sa outerlane at esksaktong nahagip ng pick up ang tumatawid na mag-aaral.

Ang estudyante ay papasok sana sa paaralan nang nahagip ng pick-up at tumilapon ng ilang metro.

--Ads--

Lumabas sa imbestigasyon na mag-oovertake ang minamanehong pick-up ng dating Barangay kapitan sa gumilid na jeep at nabigla siya sa pagtawid ng biktima na kanyang nahagip.

Samantala, sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Punong Barangay Donato Pascua ng Sipay na nakita niya mismo ang pangyayari.

Accident prone area ang pinagyarihan ng aksidente.

Nalulungkot si Punong Barangay Pascua dahil ang biktima  ay kasama ng kanyang ina sa kanilang bahay.

Kinupkop umano ng kaniyang bayaw at ina ang mag-aaral at isa nitong kapatid mula  sa lalawigan ng  Benguet  para matulungan silang makapag-aral kapalit ng kanilang pamamasukan  sa kaniyang Ina.

Desidido ang pamilya ng Biktima na sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide ang  dating Punong Barangay.

Naipabatid na sa pamilya ni Rabago sa lalawigan ng Benguet ang nangyari sa kanya at bibiyahe ang kanyang ina patungong Isabela.

Upang hindi na maulit ang aksidente ay magtatalaga si Punong Barangay Pascua ng mga barangay Tanod sa Lugar na magtatawid sa mga estudyante.

Samantala, inihayag ni  Dating Punong Barangay Alex Agor na hindi mabilis ang takbo ng kanyang sasakyan.

Handa naman umano siyang magbigay ng tulong sa pamilya ng biktima at nakahandang makipag-usap sa kanila.