--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang magsasaka matapos pagtatagain ng sariling ama sa Echague, Isabela.

Ang biktima ay si Renato Calungay, 50 anyos habang ang suspek ay ang kanyang anak na si Ever Dave Calungay, 19 anyos at kapwa residente ng Buselelao, Echgaue, Isabela.

Batay sa pagsisiyasat ng Echague Police Station, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-ama na na-uwi sa dwelo gamit ang itak.

Nataga ng anak ang ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan ang ama na nagsanhi ng kanyang pagkamatay.

--Ads--

Inihahanda na ang kasong parricide laban sa suspek.