--Ads--

CAUAYAN CITY  –  Patay ang mag-ama habang nasugatan ang dalawa pa nilang kapamilya at isang kaibigan matapos bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo  sa isang nakaparadang elf truck sa Alunan, Quezon, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, kinilala ni PCapt Fresiel dela Cruz, hepe ng Quezon Police Station ang namatay na si Eleazar Hibaya, 37 anyos at anak na si Miko.

Nasugatan naman ang misis ni Eleazar na si Jean at isa pa nilang anak na si Niknik at kakilala na si Albert Ocay, pawang residente ng Agbannawag, Tabuk City, Kalinga at tubo silang Catarman, Northern Samar.

Nagtungo ang mga biktima sa Aurora, Isabela at nakilamay sa isang kamag-anak at pauwi na sa Tabuk City nang mangyari ang aksidente habang binabaybay ng sinasakyan nilang motorsiklo ang daan sa Alunan, Quezon, isabela.

--Ads--

Nakipag-inuman umano ang driver ng motorsiklo na si Eleazar Hibaya at posibleng hndi niya napansin ang truck na nakaparada sa gilid ng daan.

Ang tinig ni PCapt Fresiel Dela Cruz