--Ads--

CAUAYAN CITY – Dinakip ang mag-asawa na nasa drug watch list ng PNP Region 2 sa isinagawang drug buy bust operation sa Santiago City.

Ang mga naaresto ay sina Jerry Labarias, 28 anyos, magsasaka at si April Labarias, 26 anyos, self-employed, kapwa residente ng Nabuan, Santiago City.

Ang operasyon ay isinagawa ng Regional Drug Enforcement Unit, Regional Special Operation Group, Regional Intelligence Division, ng Police Regional Office 2, City Drug Enforcement Unit, City Intelligence Section ng Santiago City Police Office at Station 1 na nagbunga ng pagkadakip ng mag-asawa matapos makabili sa kanila ng illegal na droga ang pulis na nagpanggap na poseur buyer.

Nakuha sa kanila ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu, at limang daang piso.

--Ads--

nasamsam naman sa pag iingat ni Jerry Labarias ang dalawang plastic sachet na pinaghihinalaang shabu .

Kakasuhan ang mag-asawa ng paglabag sa Republic Act 9165 0 Comprehensive Dangerous Drugs At of 2002.