--Ads--

Naaresto ang mag-asawang kapwa residente ng Purok Sampaguita, Brgy. Tucanon, Aritao, dahil sa paglabag sa RA 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines, matapos silang mahuling nagbebenta ng mga pekeng sigarilyo sa isang buy-bust operation nitong gabi ng Enero 6, 2025.

Ayon sa ulat, ang operasyon ay isinagawa ng 2nd NVPMFC, Aritao Police Station, at PIU, NVPPO, kung saan ang mga suspek ay nahuli habang nagbenta ng mga pekeng modern cigarettes sa isang PNP personnel na nagpakilalang mamimili.

Nakuha sa mag-asawa ang 40 rims ng Modern Cigarettes (Red), 100 rims ng Modern Cigarettes (Lights), 87 rims ng Modern Cigarettes (Black) at 30 rims ng RGB Cigarettes

Ang kabuuang bilang ng nakumpiskang sigarilyo ay 267 rims na may tinatayang halaga na ₱106,800. Ang imbentaryo ay isinagawa sa presensya ng mga suspek at mga opisyal ng barangay kung saan hindi nakapagpakita ng dokumento ang mag-asawa na nagpapatunay sa legalidad ng mga sigarilyo.

--Ads--

Matapos ang operasyon, dinala sa Aritao Police Station ang mga suspek para sa pagsasampa ng kaukulang kaso at proseso.