--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasa P/60,000 halaga ng pera at cellphone ang nakuha matapos tangayin ang bag ng mag-asawang negosyante sa Maddela, Quirino.

Ang mga biktima ay sina Horasio Bugalion, 37 anyos at ang kanyang asawa na si Marjorie Bugalion,38 anyos na kapwa residente ng Poblacion Norte, Maddela, Quirino.

Ayon sa pagsisiyasat ng Maddela Police Station, hindi namukhahan ng mga mag-asawa ang apat na suspek at hindi rin nakuha maging ang plaka ng motorsiklo na kanilang ginamit.

Patuloy pa rin ang pagsisiyasat ng mga kasapi ng Maddela Police Station upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mgasuspek sa naganap na panghoholdap sa mag-asawa.

--Ads--