--Ads--

CAUAYAN CITY– Isang ang patay matapos makuryente ang mag-asawa sa barangay Santa Maria, Echague, Isabela

Ang nasawi matapos makuryente ay si Greg Daguro, 35 anyos, magsasaka, habang nasa maayos nang kondisyon ang kanyang asawa na si Jane Daguro na nagkaroon ng fracture sa katawan at kanyang anak na sumaklolo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Gng. Jane Daguro na nagsasampay siya nang makuryente matapos mayroong nakadikit na wire live wire sa kanyang pinagsampayan

Biglang sinaklolohan siya ng kanyang asawa na si Greg ngunit nakuryente rin maging ang kanyang 12 anyos na anak na sumaklolo.

--Ads--

Sinaklolohan sila ng kanyang mga kamag-anak at kanilang maibaba ang fuse kung saan nakakabit ang linya ng kuryente.

Dinala sa pagamutan ang mga biktima subalit namatay ang mister dahil sa tinamong sunog sa katawan sanhi ng kanyang pagka-kuryente.