--Ads--

Patay ang mag-asawa matapos na sumalpok sa poste ng kuryente ang sinasakyan nilang kotse sa Barangay Baluarte, Santiago City.

ang mga nasawi ay ang mag-asawang 38-anyos na lalaki at 39-anyos na babae na kapwa residente ng Purok 3, Barangay Sagana, Santiago City.

Lulan ang mga nasawi ng isang kulay asul na sedan, ayon sa Traffic Enforcement Unit (TEU), pauwi na ang mag-asawa sa Barangay Sagana nang mangyari ang aksidente.

Lumalabas na nawalan ng kontrol sa manibela ang driver dahilan para sumalpok ang kotse sa poste.

--Ads--


Dinala pa sa Southern Isabela Medical Center (SIMC) para lapatan ng lunas subalit binawian din ng buhay.