CAUAYAN CITY – Patay ang mag-asawa na taga-Nueva Vizcaya matapos salpukin ng isang pampasaherong bus ang sinasakyan nilang motorsiklo dakong alas nuebe kagabi sa national highway sa Caquilingan, Cordon, Isabela.
Ang mga biktima ay ang mag-asawang Maverick at Elsie Andaya na residente ng Nanamparan, Diadi, Nueva Vizcaya.
Ang driver ng Marsonfer bus ay si Chonel Agustin, residente ng Maddela, Quirino.
Umagaw umano ng linya ang bus kaya nasalpok ang kasalubong na motorsiklo.
Naisugod sa ospital ang mag-asawang Andaya ngunit idineklarang dead on arrival.
Nahirapan naman ang mga rescuer na tanggalin ang driver ng bus sa pagkakaipit sa driver’s seat dahil bumangga ito sa isang puno ng kahoy matapos na masalpok ang motorsiklo
Isinugod din sa ospital ang 15 pasahero ng bus na nasaktan at nasugatan sa aksidente.
Patuloy ang imbestigasyon ng Cordon Police Station sa nasabing pangyayari.













