--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagtamo ng matinding sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan ang mag-asawang lulan ng motorsiklo matapos makaladkad ng dumptruck sa Purok 2, Mabini, Santiago City.

Ang mga biktima ay sina William Martin, 40-anyos, at ang kanyang asawa na si Rose Martin, 34-anyos, government employee at residente ng Tuao, Cagayan.

Ang tsuper naman ng Dump Truck ay si Charlie Mayor, 55-anyos, may asawa at residente ng Malannit, Jones Isabela.

Sa pagsisisyasat ng Traffic Group, binabagtas ng dalawang sasakyan ang daan patungong Mabini Circle nang makarating sa intersection ay hindi umano napansin ni Mayor ang sinusundang motorsiklo na sinasakyan ng mag-asawa kaya nabunggo nito ang mga biktima na nakaladkad pa ng 40 metro.

--Ads--

Dinala sa pinakamalapit na pagamutan ang mga biktima na nagtamo ng malalang sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

Patuloy pa ring inaalam ng mga otoridad ang halaga ng pinsalang natamo ng mga sangkot na sasakyan.