--Ads--

CAUAYAN CITY- Tuluyan nang nasampahan ng kaso ang dalawang maglive in partner na nahuli ng mga awtoridad kamakailan dahil sa ilegal na droga

Matatandaan na dakong alas syee ng gabi noong January 10 ng kasalukuyang taon nang magsagawa ang hanay ng PNP Cauayan ng anti-illegal drug buy bust operationp sa Purok 5, Brgy. Tagaran, Cauayan City Isabela kung saan pansamantalang naninirahan ang maglive in partner

Dito na nahuli ng mga awtoridad ang mga suspek at nasamsam sa kanilang pag iingat ang isang sachet ng hinihinalang ilegal na droga

Kaugnay nito, tuluyan nang nasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o comprehensive Dangerous drugs act of 2002 ang maglive in partner.

--Ads--