--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaresto ang mag live-in partner sa isinagawang drug buy bust operation ng pinagsanib na pwersa ng mga kasapi ng Santiago City Drug Enforcement Unit , Regional Drug Enforcement Unit at PDEA-Region 2 sa Santiago City.

Ang mga dinakip ay sina Alexander Dela Cruz, 42 anyos at Imelda Hermoso, 51 anyos, kapwa residente ng Calao East, Lunsod ng Santiago.

Positibo sa pagbebenta ng illegal na droga ang 2 suspek matapos makabili ng isang sachet na hinihinalang naglalaman ng shabu ang pulis na nagpanggap na poseur/buyer.

Nakuha rin sa kanilang pag-iingat ang dalawa pang sachet ng droga at 500 pesos na marked money.

--Ads--

Sasampahan ang mag live-in partner kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).