--Ads--

CAUAYAN CITY – Top 2 wanted person municipal level sa San Mateo ang maglive-in partner na dinakip ng mga alagad ng batas sa Maharlika West, Tagaytay City

Ang operasyon ay isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng San Mateo Police Station at Tagaytay Police Station laban sa mga suspek na sina Eliseo Bayabado, 46 anyos, welder, nangungupahan sa San Mateo, Isabela at Lerma Tagalan, 48 anyos at residente ng Roxas, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, nahaharap sa kasong carnapping ang maglive-in partner.

Modus anya ng mag-live in partner na bibili ng palay kung saan babayaran ang unang binili subalit sa pangalawa ay babayaran na lamang kapag sila ay nakabenta.

--Ads--

Nakuha sa pag-iingat ng maglive-in partner ang isang forward truck na pagmamay-ari ng OFW na si Virginia Padua na sinasabing inupahan ngunit tinangay ng mga suspek.

Walang inirekomendang piyansa laban sa mga suspek at ipinasakamay na sila sa RTC Branch 40 Cauayan City.