--Ads--

CAUAYAN CITY Nagpositibong droga ang nasamsam na shabu sa mag-live in partner sa isinagawang DRUG buy bust operation matapos isailalim sa pagsusuri ng PNP Crime Laboratory sa Santiago City.

Ang mag live-in partner na naunang nasamsaman ng dalawang sachet ng illegal na droga ay sina Alexander Dela Cruz Odillo, 40 anyos at ang itinago sa pangalang Melay, 51 anyos kapwa residente ng Babtista Village Calao East

Nabentahan ng mag live-in partner ang nagsilbing poseur-buyer at nasamsaman sa kanila ang dalawang sachet ng shabu at Php500.00 marked money.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 ng Republic Act 9165 ( Comprehensive Dangerous drugs Act of 2002 ) ang mag live-in partner.

--Ads--

Nakakulong na ngayon ang mga suspek sa Santiago City Police Office.