CAUAYAN CITY – Arestado sa isinagawang buy bust operation ang isang lola at apo nito sa Aritao, Nueva Vizcaya.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Jolly Villar tagapagsalita ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office, sinabi niya na nasamsam ng pulisya ang 8.2 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P55,000 sa maglola.
Sa kanilang pagsisiyasat ay napag-alaman na inihatid lamang ng kanyang apo na menor de edad ang lola.
Wala umanong alam ang apo nito na makikipagtransaksyon sa iligal na droga ang kaniyang lola gayunman ay kasama pa rin siya sa dinakip dahil siya ang nagmaneho ng motorsiklong sinakyan ng suspek.
Nagpapautang umano ang suspek at dahil sa dami ng kaniang mga nakakatransaksyon ay na-enganyo siyang magbenta ng iligal na droga.
Napag-alaman na karamihan sa parukyano niya ay mga gumagamit ng iligal na droga mula sa probinsya ng Bataan subalit ang area of operation niya ay ang Bayan ng Dupax at Aritao.