--Ads--

CAUAYAN CITY- Magtatambal sa kauna-unahang pagkakataon sa Lunsod ng Cauayan ang mag pinsan na Dy sa katauhan ni incumbent Mayor Caesar “Jaycee” Dy bilang reelectionist at Punong Barangay Benjie Dy III bilang vice mayoral candidate ng Lunsod ng Cauayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay City Election Officer Atty. Johanna Vallejo, mapayapang nagtapos ang paghahain ng Certificate of Candidacy sa Comelec Cauayan City kahapon October 8,2024.

Aniya,nagkaroon ng last minute withdrawal ang kampo ni Sanguniang Panlunsod Member Egay Atienza na tatakbo sana sa pagiging bise mayor at nauna nang inanunsyo bilang running mate ni Mayor Jaycee Dy para bigyan daan ang kandidatura ni Punong Barangay Benjie Dy III.

Sa talaan ng COMELEC Cauayan dalawa ang maglalaban laban para sa Mayoralty Race na pinangungunahan ni Incumbent Mayor Jaycee Dy at Bill Dy.

--Ads--

Tatlo sa Vice Mayoralty Race sa pangunguna ni Benjie Dy III, Diosdado Ramirez at Marlo Padaca, habang nasa dalawampu naman ang Sanguniang Panlunsod Members.