Mula sa dating anim, ibinaba na ng National Irrigation Administration – Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MARIIS) sa isang spillway gate na may isang metrong opening ang Magat Dam.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Edwin Viernes, ang Flood Forecasting and Instrumentation Head ng NIA-MARIIS, sinabi niya na mula pa kahapon, ang water elevation ng Magat Dam ay nasa 184.60 meters above sea level.
Sa kasalukuyan, mas mataas nang bahagya ang inflow kumpara sa outflow na nasa 557.83cms.
Nanatiling bukas ang isang spillway gate ng dam na may isang metrong opening na may water discharge na 149cms.
Bahagya na ring humupa ang pag-ulan, dahil mula kahapon ay walang naitalang pag-ulan sa Magat Watershed.
Tuloy-tuloy pa rin ang pagpapakawala ng tubig ng NIA-MARIIS upang maabot ang target water elevation, lalo na’t may panibagong bagyong minomonitor sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).











