CAUAYAN CITY – Nagpalabas na na tubig ang pamunuan ng Magat dam Ramon,Isabela bilang paghahanda sa ulan na dulot ng bagyong Jolina.
Sa ngayon ang water elevation ng Magat Dam ay 188.30 meters na malayo sa spilling level na 193 meters habang ang inflow 472 cubic meter/second at ang outflow ay 89 cubic meter/second.
Kaninang umaga ay nagkaroon na ng pagpupulong ang mga kasapi ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council upang mapaghandaan ang bagyong Jolina.
Nauna na ring inabisuhan ang mga mamamayan na nakatira sa mga mababang lugar na lumikas na dahil sa inaasahang pagtama sa kalupaan ng bagyo sa pagitan ng Isabela at Aurora.
Sinabihan na rin ang mga magsasaka na nagpapastol ng mga alagang hayup sa tabing ilog na ilipat na sa mga matataas na lugar at huwag nang hintayin pa na gumabi.
Sa ngayon ay inihahanda na ang mga relief goods sa bawat bayan na ipapamigay sa mga maapektuhan ng bagyo.




