--Ads--

CAUAYAN CITY – Simula kaninang 6:35 ng umaga ay nagpapakawala ng tubig sa Magat Dam sa Ramon, Isabela ang National Irrigation Administration Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MARIIS).

Ito ay posibleng magtagal hanggang Lunes, depende sa inflow o pumapasok na tubig mula sa mga watershed areas sa Ifugao at Nueva Vizcaya.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Engineer Eduardo Ramos, division manager ng Magat Dam and Reservoir Division ng NIA-MARIIS na binuksan nila ang spillway #4 na may taas na 1 meter at 100 cubic meters per second (cms) ang ipinapalabas na tubig.

Mas mababa ito sa unang puntirya nila kahapon na 200 cms na ipapalabas na tubig dahil bumaba ang pumapasok na tubig na 649 cms mula sa higit 1,000 cms kahapon dahil sa malakas na ulan sa mga watershed areas.

--Ads--

Ayon kay Engr Ramos, ang water elevation ngayon ng Magat Dam ay 191.2 meters.

Lampas na ito sa spilling level ngayong Setyembre na 190 meters.

Sa Oktubre ay itinakda ng NIA-MARIIS ang 191 na spilling level at target nila ang pagpapanatili sa 188 meters hanggagng 189 meters na water elevation ng Magat Dam.

Pinayuhan ni Engr Ramos ang publiko lalo na ang mhga nakatira malapit sa Magat River na pag-ibayuhin ang pag-iingat para maiwasan ang panganib na dulot ng pagtaas ng water level sa ilog bunsod ng pagpapakawala ng tubig sa Magat Dam sa Ramon, isabela.