--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy ang paghahanap sa magkaibigang hinihinalang nalunod habang naliligo noong hapon ng May 14, 2020 sa Cagayan River sa Pilitan, Tumauini, Isabela.

Ang mga pinaghahanap ng Search and Rescue Team ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) ay sina Jericho Allauigan, 16 anyos, grade 11 student sa Tumauini National High School (TNHS) at  Jay-ar Concha 17 anyos, grade 12 student at kapwa residente ng Pilitan, Tumauini, Isabela.

Sinabi ni  Justine Allauigan, 15 ayos, grade 10 at kapatid ni Jericho na nagtungo sila sa ilog ngunit nauna siyang umuwi sa kanilang bahay.

Sa imbestigasyon ng Tumauini, Isabela ay lumabas na dakong  4:00PM noong  May 14, 2020 ay makita ni  Domingo Bucad,  60 anyos ang dalawang binatilyo na naliligo sa malalim na bahagi ng ilog.

--Ads--

Noong umaga naman ng Huwebes, Mayo 15, 2020 ay nagtungo sa Cagayan River para mangisda si Nico Cayaba, residente rin ng Pilitan, Tumauini, Isabela at nakita niya ang dalawang pares ng tsinelas sa pampang ng ilog.

Samantala, ang mga magulang ng dalawang biktima ay hindi agad hinanap ang mga anak dahil ang alam nila ay nasa bahay ng kanilang mga kaibigan.

Nagsimula silang mangamba at maghanap noong hapon ng Biyernes, May 15, 2020 nang hindi na nila makita ang kanilang mga anak.

Pinangangambahang nalunod sa ilog ang magkaibigang Jericho Allauigan at Jay-ar Concha.