--Ads--
Magkaibigan na may kasong robbery, dinakip
CAUAYAN CITY –Dinakip ng mga kasapi ng Reina Mercedez Police Station ang magkaibigan dahil sa kasong robbery with force upon things sa Reina Mercdes, Isabela
Ang mga nadakip ay sina Diether Gontayon at Jonel Verona, kapwa residente ng Tallungan,Reina Mercedes, Isabela.
Sa nakuhang imporsyon ng Bombo Radyo Cauayan nadakip ang mga suspek sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Isaac De Alban ng Regional Trial Court Branch 16 ng Ilagan City at may kaukulang piyansang tig-P/40,000.00 piso para sa kanilang pansamantalang kalayaan.
--Ads--
Sina Gontayon at Verona ay nasa pangangalaga na ng Reina Mercedez Police Station at nakatakdang ipasakamay sa court of origin.




