--Ads--

CAUAYAN CITY – Arestado ang magkapatid sa Bagabag, Nueva Vizacaya matapos nilang gahasain ang kanilang tiyahin.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni PMaj. Oscar Abrogena, hepe ng Bagabag Police Station na ang mga akusado ay number 4 at number 5 most wanted person provincial level na edad 22 at 19.

Aniya, liblib ang kanilang lugar at magkakapit bahay lamang kaya posibleng napagbalingan nila ang biktima at pinagsamantalahan.

Nangyari ito noong nakaraang taon at mula nang maisampa ang kaso ay nagtago na ang mga akusado hanggang sa mailabas ang kanilang warrant of arrest at sila ay natunton at ngayong buwan ng Marso lamang sila naaresto.

--Ads--

Ayon kay PMaj. Abrogena, para maiwasan ang mga ganitong pangyayari ay patuloy ang pagsasagawa nila ng barangay visitation at information drive para malaman ng mga mga mamamayan kung gaano kabigat ang kasong rape.

Payo rin nila sa mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak lalo na kung babae at huwag ipagkatiwala sa kahit na sino.

Sa mga guro naman ay alamin ang sitwasyon ng kanilang mga estudyante dahil may mga pagkakataon na sa kanila nagsusumbong ang mga bata.