--Ads--

Matagumpay na nadakip ng Cauayan City Police Station ang magkapatid na Street Level Individual (SLI) dahil sa pagtutulak ng iligal na droga sa Brgy. Cabaruan, Cauayan City.

Ang mga naaresto ay sina Alyas “Jajay”, 17-anyos at kapatid na si Alyas “Ed”, 23-anyos na kapwa residente ng Villa Concepcion, Cauayan City.

Nasamsam ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang isang pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu na nakabalot sa alluminum foil, isang genuine ₱500.00, isang₱500.00 boodle money, isang gunting, isang lighter, isang motorsiklo at dalawang smartphone.

Ang mga nasamsam na ebidensya ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng Cauayan City Police station habang ang mga suspek ay dinala sa himpilan ng pulisya para sa dokumentasyon at disposisyon.

--Ads--