--Ads--

CAUAYAN CITY –  Sinampahan na ng kasong rape  in relation to RA 7610 o Anti-Child Abuse Law ang ama at tiyuhin ng magkapatid na biktima ng panggagahasa sa Aritao, Nueva Vizcaya. 

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan kay PCpl. Celeste Eca ng WCPD Aritao Police Station, sinabi niya na ang mga  biktima ay magkapatid na walong taong gulang  at tatlong taong gulang.,

Ang mga akusado ay  mismong ama ng mga biktima na tatlumput pitong taong gulang at tiyuhin na isang dalawampong taong gulang,  kapwa construction worker.

Sa imbestigasyon ng  Aritao Police Station, napag-alaman na madaling araw noong Pebrero 21, 2020 nang maganap ang panghahalay ng ama sa kanyang 8 anyos na anak.

--Ads--

Nagising umano ang bata at pinakiusapan ang ama ngunit hindi siya pinakinggan.

Matapos ang pangyayari ay nagsumbong ang bata sa kapatid ng kanyang ina na  siyang nagreport sa mga otoridad.

Lumabas sa imbestigasyon na naunang ginahasa ng kanilang tiyuhin ang 3 anyos na kapatid ng biktima.

Nakatakdang umuwi sa bansa ang ina ng mga biktima na isang Overseas Filipino Worker (Ofw).

Nakapiit sa Aritao Police Station ang magkapatid na suspek habang pansamantalang nasa kustodiya ng kanilang lola ang magkapatid na biktima.