--Ads--

CAUAYAN CITY– Iniaalay ng isa sa labindalawang finalist ng Bombo Music Festival 2020 na mula sa lunsod ng Cagayan de Oro ang kanyang komposisyon sa lalaking naging parte ng kanyang buhay.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Bb. Kezia Velez ng Del Pilar Street, Barangay 15, Cagayan de Oro City sinabi niya na ang kanyang komposisyon na pinamagatan niyang ‘ok na tayo’ ay isang hugot na karanasan niya mismo.

Aniya, ang nasabing kanta ay isang hopeful song sa isang masalimuot na relasyon at gusto na niyang makapag move on.

Sinulat aniya niya ito para sa isang lalaki dahil hanggang ngayon ay ramdam pa rin niyang hindi pa nagpapatawad ang lalaki.

--Ads--

Umaasa aniya siya na sa pamamagitan ng ginawa niyang kanta at sa BMF ay marinig ito ng nasabing lalaki at magkaroon na rin sila ng closure.

Nagawa niya aniya ang kanta ng dalawang oras na punung puno ng emosyon dahil ramdam pa rin niya ang sakit ng buoin niya ito.

Magugunita na siya ang naging interpreter ni Geraldine Therese Lim ng kantang ‘Ikaw na’ na isa sa finalist ng BMF 2019 at aniya malaking encouragement ito sa kaniya na gumawa ng sarili niyang komposisyon.

Ayon pa kay binibining Velez, dalawa ang pinagpiliaan niyang ientry sa BMF at napili niya ang ‘Ok na tayo’ dahil mas positibo ang laman nito.

Sa ngayon aniya ay nagtatrabaho siya bilang government employee.

Maliban aniya sa isang lalaki ay iniaalay niya rin ang kanta sa kapatid niyang si Winseth Jakot na finalist din ng BMF 2020.

Wala naman aniyang competition sa pagitan nila ng kanyang kapatid at masayang masaya sila nang malamang pareho sila na nakarating sa finalist.

Tinig ni Bb. Kezia Velez ng Del Pilar Street, Barangay 15, Cagayan de Oro City

Hinikayat din niya ang mga mahilig sa pagsusulat ng kanta na huwag mawalan ng tiwala sa kanilang sarili.