--Ads--

CAUAYAN CITY – Bagsak kulungan ang  magkapatid matapos masamsaman ng shabu sa isinagawang drug buy-bust operation  sa Brgy. Soyung, Echague, Isabela.

Ang mga nadakip ay sina Jessa at John, kapwa nasa wastong taong gulang at residente ng metro manila.

Nabili sa kanila ng pulis na nagpanggap na buyer ang dalawang piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at nagkakahalaga ng 30, 000 pesos.

Nasamsam pa mula sa kanilang pag-iingat ang tatlong piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

--Ads--

Aabot sa humigit kumulang labing apat na gramo ng hinihinalang shabu at nagkakahalaga nang humigit kumulang 107,000 pesos ang halaga nang iligal na droga na nakuha sa magkapatid.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Rogelio Natividad, ang Chief of Police ng Echague Police Station, kanyang sinabi na kalalabas lamang ng babae sa bilangguan dahil na rin sa pagkakasangkot nito sa kaparehong kaso.

Aniya nagpapatuloy ang kanilang pagsisiyasat para sa pagkakatukoy ng mga posibleng kasabwat sa illegal na transaksyon ng magkapatid.

Nasa kustodiya na ng Echague Police Station ang magkapatid na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.