--Ads--

CAUAYAN CITY – Wala ng buhay nang matagpuan ang magkapatid sa isang ilog sa Purok Uno, Barangay Mabini, Santiago City

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan ang magkapatid na nalunod ay sina Ronaldo Ubaldo Laplano, 17 anyos, HRM student at Nicoe Ubaldo Laplano, 10 anyos, mag-aaral at kapwa residente ng San Andres, Santiago City.

Lumabas sa isinagawang pagsisiyasat ni Patrolman Mark Angelo Visaya ng SCPO Station 4 na nagtungo sa ilog ang magkapatid na hindi alam ng kanilang magulang.

Ipinaalam ng mga magulang ng biktima ang pagkalunod ng kanilang anak sa mga otoridad at natagpuan ang kanilang bangkay ng mga tumugong kasapi ng Rescue 1021 at BFP Santiago City.

--Ads--

Iniahayag ng mga magulang ng mga biktima na hindi nila inasahan ang naturang pangyayari dahil plano pa sana ng kanilang anak na si Ronaldo na magluto ng handa para sa kaarawan ng kanyang bunsong kapatid.

Dinala na sa isang punerarya ang mga labi ng magkapatiad bago iuwi sa kanilang tahanan.