--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaresto ang magkasintahan sa drug buy-bust operation sa Purok 6, Curifang, Solano, Nueva Vizcaya.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Solano Police Station, ang mga suspek ay sina Alyas Jane, 17 anyos at Domingo Valdez, 31 anyos at kapwa residente ng nabanggit na lugar.

Nakipag-transaksyon ang magkasintahan sa isang pulis na nagpanggap na poseur/buyer kapalit ang 500 pesos.

Nang kapkapan ay nakuha sa pag-iingat ni Valdez ang 3 sachet ng hinihinalang shabu, isang lighter at cellphone.

--Ads--

Napag-alaman na dati nang nasangkot sa iligal na droga si Valdez at naitala bilang Street Level Individual (SLI) at nakalaya lamang sa pamamagitan ng plea bargaining.

Naniniwala ang mga otoridad na sa pagkadakip ng mga suspek ay mababawasan ang suplay ng iligal na droga sa Solano at mga kalapit na bayan.

Sasampahan ang dalawa ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.