CAUAYAN CITY- Kinakailangan pang dalhin sa San Mateo Police Station ang kapwa 15 anyos na magkasintahan bago tuluyang maghiwalay.
Ito ay makaraang tumanggi ang mga magulang ng mga kapwa menor de edad sa relasyon ng dalawa dahil sa kapwa wala pa sa tamang edad at nais pa nilang mag-aral ang magkasintahan.
Tatlong buwan pa lamang na magkakilala ang dalawa sa facebook at nagpasyang magsama na dahil sa umanoy sobrang pagmamahalan.
Pilit na pinaghihiwalay ng mga magulang ang dalawa ay ipinabilanggo pansamantala ang lalaki subalit kahit nasa kulungan ay todo pa rin ang yakap ng kasintahan.
Ayon naman sa ina ng dalagita, sobrang matigas ang ulo ng kanyang anak at kahit anong payo at pagbabawal sa maling gawain ay hindi nakikinig.
Napagpasyahan ng mga magulang na ang lalaking labing limang taong gulang ay pag-aaralin ng kanyang ama sa Maynila upang tuluyan silang maghiwalay.
Ang babaeng labing limang taong gulang naman ay isasailalim sa counselling ng Department of Social Welfare and Development.




