--Ads--

CAUAYAN CITY- Nakatakda nang ikasal sa December 28, 2017 ang magkasintahan na biktima ng pagbaril-patay ng isang nag-amok na pulis sa Balzain, Dupax del Sur, Nueva Vizcaya

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Chief Insp. Beth Alipay, hepe ng Dupax del Sur Police Station, kanyang inihayag ang labis na panghihinayang sa naganap na pamamaril ng kanyang pulis na si PO3 Jerwin Gose sa magkasintahan na sina Joseph Agrabante at Edilisa May Manuel na pawang residente ng lalawigan ng Nueva Vizcaya.

Batid din umano ang pagmamahalaan ng dalawa hanggang sa kamatayan dahil sa hawak kamay pa ang magkasintahan matapos barilin sila ng suspek na si PO3 Gose.

Ayon pa kay Chief Insp. Aglipay, bago ang pamamaril ay una nang tumawag ang suspek at umiiyak dahil sa hindi na umano niya kaya ang sitwasyon nila ng kasintahan.

--Ads--

Batay pa sa nakuhang impormasyon ng pulisya si PO3 Gose at ang kanyang kasintahan ay tatlong taon nang nagmamahalan subalit nais umano ng babaeng hindi na pinangalanan na magkipag-cool off dahil sa nararanasang niyang domestic violence sa naturang pulis.

Ang suspek na si PO3 Gose ay nasa 9 na taon ng naninilbihan bilang kasapi ng PNP-Dupax del Sur.